Hindi ko Alam

Hindi ko alam kung anong meron sa iyo. Sa tuwing nakikita ka, ang mundo’y tila tumitigil, humihinto. Ang oras ay bumabagal kapag nasulyapan ka. Ang paghinga ko’y bumiblis sa tuwinang dadaan ka. Ano bang meron sa iyo at nagugulantang ang mundo ko kapag nakikita ka?

Hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong nagbabakasakaling ika’y aking makikita. Minsan nga, kahit huli na ako sa klase, mabagal pa rin ang paglakad ko dahil umaasa akong masusulyapan man lang kita. Sa koridor, sa silid-aralan at akalatan, maging sa hardin ng paaralan, naghahanap ng senyales na nasa paligid ka lang.

Hindi ko alam kung bakit tila sumasayaw sa tuwa ang puso kong isinisigaw ang pangalan mo sa tuwing kakausapin mo ako. Mga problema’t alinlangan ko ay tilang bulang naglalaho sa sandaling marinig ko ang malamyos mong tinig. Kahit nga hindi ako ang kausap mo, alam na alam kong ikaw iyon. Hayy nako, kung alam mo lang na parang despertador ang boses mo. Kapag narinig ko’y napapatalon na lang ako. Nakakainis nga dahil sa tuwing lalapit ka, nabablangko ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako kapag nasa paligid ka. Hindi ako mapakali at tila gusto kong maglaho at mapansin mo ng sabay. Ramdam na ramdam ko ang puso kong parang gustong lumabas sa aking dibdib at tumakbo papunta sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya kong ipaliwanag kung bakit asul ang kalangitan, kung bakit may araw at gabi at kung bakit isinulat ni Jose Rizal ang Noli pero hindi man lamang ako makapagsabi ng simpleng “hi” sa iyo.

Lahat ng naaalalang sandali na kasama ka ay aking napag-iisipan, at minsan, nasasabi sa sariling, “sana ganito na lang ang ginawa ko” o kaya ay “dapat hindi ko iyon ginawa”. Pero ang nagawa na ay nagawa na. Ang nakaraan ay nakaraan na. Tanggapin na lamang natin ito at paghandaan ang hinaharap sa pamamagitan ng paggamit ng kasalukuyan sa makabuluhang paraan. Gusto kitang maging kaibigan o kahit kabatiaan man lang. Isa ka talaga sa mga taong lubusan kong hinahangaan.

Hindi ko talaga alam kung anong meron sa iyo, pero isa lang ang sigurado ako: nasaiyo na ang puso ko.


3/26/2015 12:18 am || 03/26/15 2:2 pm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: