Isang Kaha

Pito. Nakapitong stick ka na ng sigarilyo. Para sa akin, pitong beses mo ng pinarusahan ang sarili mo sa kakaihip at buga mo ng usok. Pero para sa iyo, nakakapito ka pa lang sa dala mong kaha na lagi mong bitbit. Kada buga mo ng usok ay para bang naninikip ang dibdib ko. Ngunit sa iyo, ang kada buga ang siyang nagpapaluwag ng damdamin mo.

Lima. Nakalimang shot ka na ng kulay dilaw na inumin. Kada lapag ng baso ay para bang naguguluminahan ako sa kung ano nanamang kemikal ang ipinasok mo sa sistema mo. Sa isip ko, nasabi kong hindi naman mawawala ang mga problema mo. Ngunit sa isipan mo, kada baso ay isang hakbang patungo sa pansamantalang pagtakas sa realidad ng buhay.

Tatlo. Nakatatlong puting bote ka na. Para bang umiinom ka ng lason na siyang papatay sa puso mo. Kada lagok mo ay para bang nararamdaman kong gumuguhit sa lalamunan ko. Sa paningin ko ay parang nilulunod mo ang sarili mo sa isang inuming walang maidudulot na mabuti sa iyo. Pero sa pananaw mo, nilulunod mo ang puso mo para kahit sandali ay makalimot sa sakit na nadarama.

Isa. Isa lang ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito. Isa lang ang nagdulot sa iyo ng lahat ng sakit na ito. Isa lang ang dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon habang nakikita kita sa pagitan ng mga taong nagsisidaan sa harapan ko.

Mahal kita. Mahal mo siya. May mahal siyang iba.

Alam niyang mahal mo siya. Alam mong wala kang pag-asa sa kanya. Walang nakakaalam na gusto kita.

Kung ako na lang sana ang minahal mo, ako mismo ang magpapagaan ng damdamin mo. Kung ako na lang sana ang nagustuhan mo, sasamahan kita sa pagtakas mo sa realidad ng buhay. Kung ako na lang sana ang inibig mo, lulunurin kita sa dalisay kong pag-ibig sa iyo.Pero hindi nangyari ang lahat ng ito. At marahil ay hindi na nga. Dahil sabi nga nila, kung masaya ka sa akin, ako ang pinili mo. Kung masaya ka sa akin, hindi siya ang dahilan ng pagluha mo. Kung masaya ka sa akin, hindi ko sana sinusulat ang lahat ng ito. Dahil sa kinatagal-tagal na magkasama tayo, hindi mo ako nakita.


12/12/2015 2:17 am || 12/16/2015 2:54 pm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: